Saturday, December 22, 2012

Isang simpleng paanyaya

December 16, 2012 (9 am)

Mabuhay! 

Ginising ako ng mga katok sa pinto ng aking pinsan. May tawag daw ako sa telepono. Atubili kong sinagot, pero alam ko si Marcie Sofia ang nasa kabilang linya. Saktong pagtunog din naman ng aking alarm. Tiniyak niya lang kung anung oras ako makakarating kasi isa pa sa inaalala niya ay si Mama Rems. Kami ang espesyal na bisita niya na inaanyayahan niya makapunta sa bahay nila sa unang pagkakataon at siyempre may kainan pa. Sapat na ang tatlong oras na pagtulog ng araw na iyon. Nangako rin kasi akong tutupad na sa tinakdang oras ng pagkikita. Ayaw ko masira ang tiwala nila sa akin. Pagkababa ng telepono, kumilos na ako para maghanda. Naligo na ako at nagplantsa ng isusuot ko. Sabi ni marcie ang dapat na isuot ko ay kagalang galang at presentable. Kunsabagay may punto siya roon, pero ang binalak ko talagang isuot ay pantalon, simpleng t-shirt at nakatsinelas lang. Mabuti na lang at hindi iyon ang aking naisuot sapagkat hindi aayon sa okasyon at lugar na aking pupuntahan. Binitbit ko na lang ang isusuot ko long sleeves, bahala na kung saan ako abutin ng pagpapalit ng kasuotan. 

Tinext ko na si marcie Sofia upang malaman niya na nakahanda na ako. Biyaheng pa-marikina ang sinakyan ko. Maganda ang daloy ng trapiko. Pagdating ko sa marikina sports center agad kong hinanap ang sakayan ng pa-SSS village. Sabi ni marcie mag-FX na ako. Muntikan na akong maligaw dahil hindi ko kabisado ang lugar ng marikina. Mabuti na lang pinagana ko ang PR powers ko, teka lang alam ba ninyo muntik na ako ma-jay walking. Tsk. Hindi ko alam na may babala pa na nakapaskil. Hays, salamat na lang at mabait si manong traffic enforcer. Hayun, siya pa nagturo ng tamang sakayan papunta ng SSS village. Habang naghihintay ako, nag-iisip na naman ako na maaari na akong magpalit sa loob ng FX kung saka-sakali. Ngunit nagkamali ako dahil ang nasakyan ko ay punung-puno ng pasahero. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa, sabi ko hindi bale kahit sa kakalsadaan puwede ako magpalit. Nakakita ako ng pagkakataon sana upang magpalit ng damit subalit siya naman namin paghinto sa puregold kung saan ang aking destinasyon. Wala na akong nagawa kundi bumaba at sumakay sa nakaparadang trisikel. Habang abala si kuyang drayber, siya namang pagmamadali kong magpalit ng damit. Wala na ako pakialam, naghubad na ako ng pang-itaas ko at mabilisan nagbihis. Sa wakas tagumpay ako. Nag-ayos ayos ng buhok at mukha. Hindi ko na alintana kung saan na ako banda. Dumire-diretso ang trisikel at huminto sa pinakadulo ng kalsada. Napansin ko na parang iba yata ang lugar na sinabi ni Marcie Sofia. Kaya agad ko siyang tinawagan. Asus, lumagpas na pala kami. Kaya pala tahimik ang lugar at walang ni isang sasakyan ang nakaparada sa mga bahay na naroon. Nakita na pala niya ako dahil sa abala ako sa kakalikot ng aking bag ay hindi na niya magawang putulin ang aking ginagawa. Noong binabagtas namin ang daan pabalik, kausap ko pa rin si marcie. Nakita ko na sa siya sa hindi kalayuan. Pagkababa ko, wala kaming nagawa kundi ang tumawa sa kagalakan. 

Dumating ako sa tamang oras. Biro pa ni marcie, kakaiba raw ang pagbaba ko ng trisikel, parang artista raw. Napaaga yata ang dating ko kasi ako lang ang dumating na bisita nila. Napagpasyahan namin ni marcie na magpicture muna habang maayos pa ang pagkain na nakahain. Paglabas namin ni marcie, may dumating na bisita. Bumaba ang isang may edad na payat na lalaki. Sabi ni marcie isang doctor daw siya. Habang abala kami ni marcie sa pagkuha ng litraro sa cell ko ay napako ang aking mga mata nang bumaba ang isang gwapo, matangkad at moreno na lalaki. Nakashirt, shorts, sneakers na nike at may sling bag siya. Tama nga si marcie na pumunta ako sa paanyaya niya. Hayun, lalong nabuhayan ang nananamlay kong dugo at naibsan ang puyat at pagod ko dahil napalitan ng kilig at ngiti sa aking mukha. Pumasok na rin kami at nagpaghinga pasumandali. Pumasok naman sa kabahayan ang mag-amang doctor. Mababakas mo sa aking mukha ang pagkagalak sa aking nakita. Sabi ni marcie marami pa raw darating, pero para sa akin kuntento na ako sa kanya. Mukha naman siyang mabait at tahimik. Yun nga lang hindi nagkaroon ng pagkakataon para kami mag-usap. Pero nararamdaman ko ok naman siya kapag kinausap. Hindi siya suplado kasi ngumingiti siya. Siyempre dapat mag behave ng unti. 

Naputol ang pag-uusap namin ni marcie nang dumating na si mama Rems. Nakapustura siya at talagang pinaghandaan niya rin ang okasyon, kasama ni si daddy Gomer. Nalaman ko na galing pala sila sa family day nila. Ang kwento ni mama rems, naligaw sila kasi sa kabilang subdivision sila napadpad. Ramdam ko malapit ng tumaas ang kilay ni mama Rems. Mabuti na lang at naagapan at nakarating sila ng matiwasay. Pinapasok na muna kami sa loob ng bahay nila. Maaliwalas ang loob, maraming kagamitan at decorasyon at isa sa nakapukaw ng aking atensiyon ay ang life-sized na imahe ni St. Jude Thaddues. Doon napunta ang aming kwentuhan, mapaghimala raw siya lalo na sa mga desperado at nawawalan ng pag-asa. Nagpaunlak na ang mommy ni marcie na mauna na kaming kumain. Lalo ako sumaya kasi lumabas na si baby Doc (iyan ang naisip ko code sa kanya dahil anak nga siya ng doctor) kasama ang kanyang ama. Nagsimula na rin silang kumain. Kami naman siyempre hindi nagpahuli inuna namin ang appetizer na veggie at macaroni salad. Makalipas ang ilang minuto, isa isa nang nagsisidatingan ang mga panauhin. Doon pala kami sa loob ng bahay nila kumakain. Sayang hindi ko man lang nakasabay si baby doc sa table kasi doon naman sila sa labas malapit sa mga handa. Hindi ko na lang pinahalata na nalungkot ako kasi iyon na pala ang huli kong masisilayan ang ngiti niya. Wala na kasing chance na kasi lahat ay busy at nagkakagulo na lalo't nakikipaglaban si Donaire sa boxing. Nang makita na namin na wala ng pila, agad kaming sumunggab sa naghihintay na pagkain sa amin. Sabay sabay na kaming kumain sa at lahat ng nakahain ay aming tinikman. Grabe ang sarap ng pagkain. Busog na busog kami. May mga dessert pa na fresh fruits. Nakakagutom tuloy. 

Habang nagpapahinga kami, marami kaming napagkwentuhan. Para bang walang katapusan ang aming hagikgikan, kunsabagay iisa lang aming pinagkakapareho, napakababaw namin at masayahin kaming tatlo. Lumipas ang ilang oras, nagpasya kaming mag-unat unat. Inanyayahan kami ni marcie na pumunta sa lugar na kung nasaan nakatayo si St. Jude. Habang abala sila sa pagtitingin ng mga litrato ay siya naman paghipo at paghiling ko kay St. Jude. Pinapasok kami ni marcie sa isang kwarto na kung saan nandoon ang dalawang malalaking upuan. Doon ko nalaman na isang espesyal na upuan kasi maaari kang imasahe sa buong katawan kapag naupo ka roon at naiset na ang timer. Pinauna ko muna si mama Rems habang ako naupo sa duyan-duyan. Malamig sa loob at kaaya-ayang matulog. Narinig na namin na nag-uumpisa na silang sa x-mas party nila. Ako naman ang pumalit kay mama Rems. Lumabas muna sila para makita kung ano ang nagaganap sa labas ng kwarto.Inabot lang ng isang oras ang programa nila dahil narinig na namin na nagpapaalam na ang iba sa kanila. Hanggang sa tumahimik na ang buong kabahayan. Bumalik na rin silang dalawa. Napagpasyahan na namin na lumabas ng kwarto at hudyat na rin iyon upang kami ay maghanda na sa paglisan. Nagpicture muna kami ulet sa kabahayanan nila hanggang sa aming paglabas. 

Masaya kami at magkakasama kami kahit sa panandalian lamang. Nagpaalam na kami sa magulang ni marcie sapagkat may importanteng lakad ang mom ni marcie. Sumakay na kami sa sasakyan nila mama Rems at nagpadesisyunan namin magstarbucks muna tutal maaga pa naman. Sa markinton kami napadpad kasi iyon lamang ang may malapit na starbucks. Kami na ni marcie ang umorder sa dalawa. Lingid sa kaalaman nila na medyo nag-aalangan ako kasi napagastos pa si mama Rems. Pero kalaunan naman ay nag-enjoy sila. Nagstay lamang kami ng mahigit isang oras at kami ay naghiwa-hiwalay na. Hinatid ko muna si marcie sa sakayan niya pauwe sa kanila. Habang ako ay papunta sa terminal ng pa-antipolo ay tinext ko si bessy. Salamat at agad siyang sumagot. Nag-usap kami sa telepono at magkikita na lang kami sa napag-usapang lugar. Nagpasama muna siyang magpagupit at iniwan ko na ang x-mas gift ko kay Rom. Matapos siyang magpagupit ay hinatid na niya ako sa sakayan. Hindi ko na kasi kaya ang pagod at puyat. Pagkarating ko sa Antipolo, dumaan muna ako sa parlor para magpagupit. Nakauwi ako ng bahay ng mga 9pm. Sa bahay agad na ako nag-ayos ng sarili, pag akyat ko ng kwarto, parang magnet ako hinihila ng paunti-unti at zzzzzzzhhhhh...


Sa labas ng bahay nila marcie Sofia. Lucky number 8.



 Si Santa at ang Litson.


 Ang mga handa para sa bisita. 




Duos tandem - Mama Rems at Marcie Sofia. 


 Ang belen.


 Ang mahiwagang upuan. 


 Tres Marias.



 Tambay sa Starbucks.



Thursday, December 20, 2012

Pasyal buong araw

December 15, 2012 (11am)

Kumusta sa lahat. Nagbabalik ang inyong lingkod. Umaga pa lang naghahanda na ako dahil magkikita kami nina bessy, kuya Rom at Regina. Manonood kami ng sine at kakain sa labas. Maaga na ako bumaba kasi dadaan pa ako ng masinag market para bumili ng sitsirya na ibabalot namin at ipapamimigay sa mga bata. Sa daan nagkaroon na nang pagsisikip ng mga sasakyan sa bandang masinag na. Kung kailan naman maaga ako nagbiyahe saka naman ako natrapik. Teka lang sabado kaya, inisip ko na lang na sweldo at tiyak marami ngang tao. Pagkabili ko sa palengke ng mga dapat kong bilhin. Gumayak na ako papunta sa apartment nila. Nadatnan ko lang mag-isa si Rom sa apartment kasi sinundo pa ni bessy si Regina. Mga ilang minuto pa ang nagdaan, dumating na sila kasama si Yeng ang yaya ni Regina. Habang naghahanda si Rom nagtulong tulong kami magsalansan at magpasok sa brown bag ng mga laruan at pagkain. Saktong patapos na kaming mag-ayos ng lumabas ng banyo si Rom. Niloloko nga namin siya kasi, halos kami na tumapos na dapat kasama siya. Abangan ninyo sa susunod kong blog, ibabahagi ko sa inyo ang mangyayaring pamamahagi namin ng mga regalo sa mga bata.  Lahat kami naeexcite na sa araw na iyon. Balak namin magsuot ng santa hat para ramdam na ramdam namin ang diwa ng pagbibigayan, maiba lang.

Maganda na ang daloy ng trapiko kaya nakarating kami ng maaga sa Suba's resto. First time ko pa lang kakain sa naturang kainan. Ang specialty nila ay beef caldereta at iba pang lutong bahay. Marami ngang kumakain doon at kaaya aya ang lugar. Malinis at ang mga serbidora ay tunay na magigiliw sa kanilang customer. At isa pa sa kinatuwa ko maliban sa pagkain ay may isang lugar doon na may libreng wifi. Habang kumakain kami, walang puknat kaming lahat sa kakakalikot ng mga cellphone. Nang matapos na kaming kumain, tumuloy na kami sa Sta. Lucia. Pagdating sa parking, saktong napadaan ang libreng sakay sa mini van papunta sa mall. Nahinto kami sa isang store ng mga cellphone accessories at tinignan nila kung mayroon headset na gagamitin ni Rom sa pagpunta sa Vietnam. Mukhang ok naman ang napili nila. Pero nagdalawang isip sila na magtingin tingin muna sa ibang tindahan. Diretso kami kaagad sa cinema house upang bumili ng ticket. Ang papanoorin namin ay ang The Hobbit na maguumpisa ng 3:15 pa. Alas dos pa lang kaya napagdesisyunan namin maglibot libot muna. Humiwalay muna ako sa grupo sa kadahilanan kailangan ko papalitan ng size ang nabili ko damit sa inaanak ko. Sa kahabaan ng pila, iniwanan ko muna ang damit at babalikan ko na lamang pagkatapos namin manood. Saktong patapos na rin sila sa paglilibot at pinabalik na nila ako. Bumili kami ni Rom ng maiinom at popcorn. Naupo kami sa bandang gitna sa harapan namin mga bagets na ang iingay. Tumagal ng halos tatlong oras ang pelikula at sa aming tantya magkakaroon pa ng ikalawang yugto ng pakikipagsapalaran ng mga bida.

Binili na namin ang headset at dumiretso na kami sa kabilang mall sa metroeast. Naghanap na lang kami ng ibang ruta kasi nagkakaroon na nang pagsisikip ng trapiko. Tinungo namin ang Toby's store upang bumili ng sapatos ni bessy na gagamitin niya sa pagtravel nila sa Vietnam. Habang nagbabayad si bessy nagulat kami sapagkat inabutan niya kami ng GC at ang dare kailangan ibili rin namin agad ng naisin namin. Sa kagalakan, naghiwahiwalay kami, silang tatlo sina bessy, Rom at Regina nagpunta sa 2nd floor ng department store samantalang kami ni Yeng sa 1st floor naman ang tungo. Hulaan ninyo kung ano ang binili ko ---  dalawang itim na coin purse na leather. Nagkita kita kami sa gift wrapping section dahil may mga karagdagan pa silang ipapangregalo. Pagkatapos pa ng isang oras namin maaaaring makuha ang mga ito. Kaya tumungo muna kami sa Toys R' Us para bumili pa ng mga pangregalo. Matapos isang oras na pamimili. Nag-aya na silang kumain habang pinapabalot pa namin ang mga pinamiling pangregalo. Habang nag-oorder si Rom ng food sa Jollibee, pumunta kami ni bessy sa parking lot malapit sa Sta. Lucia bibili kami ng Santa hat na gagamitin namin sa pamimigay ng regalo sa mga bata. Pagkabalik namin saktong nakahanda na ang pagkain. Makalipas ang 30 minutes, bumalik na kami sa mga gift wrapping section upang kuhanin ang lahat ng mga pinamili namin.

Dahil sa pagod, bumaba na ang energy ni Regina. Sa daan pa lang inaantok na siya. Pagkahatid namin sa kanya sa bahay, nagstay muna kami ng ilang minuto at nang masigurado na nakahanda na sa pagtulog si Regin gumayak na kami papunta sa apartment nila. Naku, maaga pa pala ako magigising kinabukasan sa isip isip ko. Unang gabi ng simbang gabi. Tsk. patay. Puyatan na naman. Sabi ni bessy may mga mangilan-ngilan pang babalutan ng pangregalo. Nagsimula kaming magbalot ng mga alas dose ng gabi. Naghanda si bessy ng isang baso ng brandy na tinimplahan niya ng pineapple juice in fairness sakto ang sarap. Makalipas ang dalawang oras, inaya ko na silang ihatid na ako. Saka inaantok na rin si Rom. Pero mukhang nakaramdam kami ng gutom kaya naglugaw muna kami sa isang resto sa Marikina. Nakauwe ako ng bahay ng 3 am na. Tutal hindi na rin naman ako makakatulog ng maayos dahil alas 4 ang simula ng mass. Nagpalit na ako ng damit at ginising ko na ang mga kasama ko sa bahay. Malamig sa labas, mabuti na lang nagdala kami ng jacket. Napakaraming tao ang nagsimba sa unang gabi ng simbang gabi. Kaya sa labas na lang kami nagtiyagang makinig ng misa. Ang nakakalungkot pa hindi namin nadala ang mga upuan. Isa pa kinabahala ko, hindi ko na kinakaya ang antok at pagod. Ikaw, kaya mo ba makinig ng misa na nakatayo at pagpikit mo ng mata mo nagsisimula ka ng makabuo ng tulog? Ako muntikan ng bumagsak mabuti na lang naagapan ko. Tsk. Pero kinaya ko pa rin. May ngiti sa lahat ng matapos ang unang simbang gabi. Dumaan kami ng mcdo upang bumili ng almusal nila. Pagkauwi sa bahay ng 6 am hindi ko na nagawang kumain pa, diretso na ako sa banyo upang maghilamos. Mantakin ninyo, nagawa ko pa iyon sa kabila ng puyat at antok. Diretso na ako sa higaan at nagsabi ako gisingin ako ng 9 am kasi aalis ako at patungo ko naman sa imbitasyon ni Marcie Sofia na lunch date sa bahay nila.

Pinamahagihan kami ni bessy ng GC na natanggap naman niya mula sa mga contractor nila.



 
 Ito ang aking binili, mga masu-swerteng coin purse.


Wednesday, December 12, 2012

Espesyal na gabi



December 7, 2012 (6pm)

Isang mapagpalang araw sa inyong lahat. And I’m back. Remember noong umaga, kulang sa tulog, hindi pa maganda ang kapalaran ko, umuwi akong luhaan at heto na naman ang bagong kalbaryo ko --- may Christmas party ako pupuntahan. Mahaba pa ang oras ko kaya binalak ko magpahinga muna para makabawi ng haggardness, para mamaya maaayos at nasa kondisyon ako magsaya kahit na malungkot ako dahil sa kinalabasan ng bunutan sa Ynares. Pero pagdating ko sa bahay hindi rin pala ako makakapahinga. Nag-ayos ayos na lang ako, kinausap pa namin si mama sa Skype, in short marami ako ginawa pag-uwi ko. Naligo na ako at nag-ayos na para hindi ako malate sa usapan dadaan pa kami ako ng Globe store para kuhanin ang BlackBerry ko. Pagdating ko sa Globe medyo marami ang tao. No choice, kailangan ko maghintay. Mga bandang 3:30 pm hindi na ako mapakali kasi may usapan kami ni Marcie Sofia na dapat nasa Heart center na ako by 4 pm. Shocks, mag 4 pm na nasa Marikina pa ako. Inisip ko naman mabilis lang naman ang biyahe. Natataranta na ako talaga. Nakuha ko namanang BB ko kaso tinest naming ganoon pa rin ang problema. Nagdesisyon na ako na umalis na para makaabot sa usapan. Kinakalmado ko na sarili ko. Subalit pagdating ko ng Anonas, bumper to bumper ang kaganapan sa kakalsadaan, patay na, hindi ako makakaabot. Nawawalan na ako ng hope, pero sabi ko maiintindihan naman nila ako. Gusto ko ng lumipad at isubo at lunukin ang bato ni Darna, hindi talaga gumagalaw ang mga sasakyan. Bumaba na ako at nagtrike. Pinaharurot ni manong, kaya napakapit ako sa kinauupuan ko. Nakarating na ako ng heart ng mga bandang 6pm. Sa kasamaang palad, sa kamamadali ko, tumalsik ang mahiwagang pendat ng kwintas na suot ko.  Una kong pinuntahan sina Marcie Sofia at Ishi. Ramdam ko na naiinis sila kasi napaghintay ko sila lalo na sina mama Rems at dadi Gomer.

Sobrang nahihiya talaga ako, kasi talagang hinintay nila ako na makarating. Alam ko nag-aalala rin sila sa akin. Sa sasakyan wala naman ako naramdaman tension. Bumili muna kami ng food sa Shakeys. Kailangan kong bumawi. Kaya pagbaba ng sasakyan, inalalayan ko si marcie Ishi makababa, subalit mukhang napalakas ang paghagis ko sa kanya palabas. Hindi ko alintana nawala pala siya sa kawalan --- muntikan na siyang mahulog sa kanal. Sunod ko naman inalalayan si marcie Sofia, sakto lang ang binigay na effort ko kasi alam ko kaya ko siyang dalhin. Sa kagustuhan ko magpa good shot sa kanilang lahat, mukhang sumasablay ang nagagawa ko. Wala ako idea kung ano ba ang inorder nila. Sa daan, may kaunting tawanan na kami. Pagdating sa bahay nila mama Rems, aligaga na kaming mag-ayos ng mga dala namin. Gutom na kasi si marcie Ishi, patunay na naihagis ko siya sa gaan niya pagbaba niya ng sasakyan. Ako na ang nagsimulang magdasal upang magpasalamat sa biyaya sa gabing iyon. Sabay-sabay kaming kumain. Dala ng gutom at sarap ng food, tahimik kami kumain. May libre pa palang panghimagas na minatamis na saging na gawa ni mama Rems na galing sa tanim nila sa likod-bahay. 

Kaunting picture picture. Inihanda na namin ang videoke at nagsimula na kaming magkantahan. Magkakampi kami ni mama Rems samantalang si marcie Sofia at Ishi naman. Pataasan ng makukuhang score kaya lalong nakakapanabik ang labanan. Masaya at talagang enjoy na enjoy kami. Makalipas ang dalawang oras na biritan, nagdesisyon na kaming dumako sa pinakahihintay ng lahat ang revelation ng regalo at kung sino ang nakabunot sa bawat isa sa amin. Inumpisahan ni Marcie Ishi na ilarawan ang special na taong pagbibigyan niya ng kanyang regalo. Nagbahagi rin kami ng kanyang kanyang kwento tungkol sa istorya sa likod ng pagbili ng regalo. Sumunod ako at si mama Rems ang binigyan ko ng special na regalo na kami pa ni Marcie Sofia ang magkasamang bumili. Nang sila na ang magrereveal ng regalo, kami ang nagulat ni Ishi. Ang sumunod na pangyayari ay talagang hindi namin inaasahan. Ang taong nakabunot sa akin ay hindi si mama Rems, walang iba kundi si marcie Sofia. Si mama Rems ang nakabunot kay marcie Ishi. Naisahan kami ng dalawa. Nagkatingin kami ni Ishi at wala ng nagawa kundi ang ngumiti. Sobrang hindi kami makapaniwala sa nangyayari. 

Pagkatapos namin mabuksan ang kanya kanyang regalo. Nagpictorial kami ulet. Paikot ikot kami sa kabahayanan. Sobrang busog pa kami sa dami nang kinain namin. Kaya naglabas na lang ng isang supot na kendi si mama Rems. Gusto pa niyang iuwi namin ang mga natirang food pero tumanggi na kami. Sulit na sulit ang gabi naming lahat. Napakasaya ng munting selebrasyon kahit aapat lang kami. Datapwa't napakaiksi man ng oras, maituturing kong napaka special ng gabi na makasama at makahalubilo ko ang mga taong nagbibigay saya sa akin.

 Tara kain tayo.

 (Ako, marcie Ishi, marcie Sofia, mama Rems at si dadi Gomer.)

Ang paborito kong pasta at pizza, Yummy!


 Ang Regalo ni Santa.











Kantahan time.




 Isang nakakagimbal na rebelasyon.























Isa sa mga nasa wishlists ko. One down. More to come =) 

Thank you so much marcie Sofia. I love it.



Saturday, December 8, 2012

Roleta ng Kapalaran

 December 7, 2012 (8 am)

Hi and Hello everyone. Thank you for giving time reading my blog. So next na kwento ko ang nakaka-sad at nakakapanlumong karanasan. May nakapagsabi na sa akin na may bunutan na magaganap kinabukasan sa Ynares - bunutan ng trabaho para sa mga nurses, so sasali akong muli. Isang program iyon ng butihing Gobernador ng Rizal na mabigyan ng trabaho kada tatlong buwan ang mga nurses na wala pang work. Nakailang beses na ako sumali doon sa kasamaang palad, hindi ko naiiuwi ang mahiwagang korona at tropeo ng tagumpay. Medyo nagdadalawang isip na ako kung sasali pa ba ako. Pero sabi ko go lang ng go parang Globe. Wala naman mawawala at least nagtry pa rin ako. Baka this time umepekto na ang pagmamakaawa ko at maawa na sa akin ang kalangitan at kalikasan e mapagbigyan na ako sa aking kahilingan. May isa pa palang good news, tumawag ang Globe dahil for pick up na raw un Blackberry phone ko. So sabi ko, naku mukhang pumapabor ang magandang kapalaran sa akin. 

Gabi pa lang, hindi na maganda ang tulog ko. Hindi ko nga maintindihan kasi ok naman ang inaasahang ko magaganap ng araw na iyon. Nagstart ako makatulog ng 1 am ng madaling araw. Pagising gising ako, naiinis na talaga ako kasi parang sinasadya na hindi ako makatulog ng diretso. Grabe kada tingin ko ng orasan parang ambilis ng takbo ng oras. Pabalikwas likwas ako sa kama. Tingin ulet ng orasan, pagtingin ko 4 am na. E, nag-alarm ako ng 6:30 am. So nagbilang ako, nagset ulet ako 7 am. Minsan na kasi akong nalate, hindi na ako pinayagan bigyan ng raffle coupon. Iniisip ko, baka kasi natatakot ako malate at umuwing luhaan ako ng walang kalaban laban gaya ng dati. Sa madaling sabi wala ako nabuo maayos na tulog. Kahit nahihilo ako, pinanindigan ko na. Sa daan pa lang kinokondisyon ko na ang sarili ko na magiging maayos ang lahat kahit na kulang sa tulog. 8:08 am na ako nakapasok ng Ynares. As usual, marami na naman nagsusubok ng kanilang kapalaran. Diretso na ako agad sa mga butihing panel of judges para mag sign ng name at mabigyan ng isang kapirasong papel na siyang magdidikta ng aming kapalaran. Tinahak ko na ang lugar na madalas ko pwesto at maghintay sa pinakadulo. Habang naghihintay kami, naisipan ko tawagan si marcie Sofia. Unting kwentuhan, pampadagdag ng moral support at pampaalis ng antok na rin. Next ko tinawagan si marcie Roda, nagulat ako kasi nasa hospital siya. Natuluyan pala siyang maconfine dahil sa dengue. Ako naman ang nagbigay ng moral support sa kanya. Pasa-pasahan lang. Nakakatawa kasi nag-iba ako ng boses dahil nagdadasal kami habang kausap ko siya. Kaya natawa na lang kami pareho. 

Heto na ang pinakahihintay naming lahat. Nag-explain muna si madam ng mechanics. Since, ilang beses ko ng narinig ang litanya niya so dedma na lang ako. Hinintay na lang namin ang hudyat ng magkaroon ng kaunting katahimikan. Unang inanounce ang mga midwife. 39 ang naghulog na kanilang kapalaran subalit 12 lang ang pinalad na mabigyan ng chance. Maisingit ko lang para kaming sumasali sa audition ng mga reality shows so ramdam mo ang kaba at tension sa bawat isa sa amin. Ganun siguro ang pakiramdam na lahat gagawin mo para lang may mapatunayan ka. Sumunod na tinawag ang mga underboard na nurses. Mayroong 252 na sumali at 35 lang ang napatambling sa tuwa. At ang pinakahihintay ng lahat, tinawag na ang mga rehistradong nurses na susubok na makakapasok sa hospital at magamit ang aming nalalaman pagdating sa pag-aalaga ng pasyente at maisuot muli ang aming puting uniporme. Umalingaw-ngaw sa hangin ang numerong 417 na nurses ang sumali at nangangarap na makapagtrabaho sa alinmang hospital sa Rizal. Idedeploy kasi nila sa ilang pampublikong hospital ang mabubunot na nurses. Halos wala pa sa kalahati ng bilang ng sumali ang mapipili nila dahil 180 lamang ang papalarin. Habang paunti ng unti ang bilang ng kanilang tinatawag lalong lumalakas ang kabog sa aming dibdib at nakikisabay naman ang init sa loob ng Ynares. Napansin ko na iisa lang namumutawi sa aming mga mata --- ang pag-asang sana ang susunod na tawagin ay ang aming pangalan na. Sa huling sampung binunot, lahat kami ay napakapit sa kinauupuan, ang iba napakagat labi, ang iba pinagpapawisan ng malamig, hindi na namin alintana ang init, pagod at gutom. Iisa lang ang tumatakbo sa  aming isipan ng mga sandaling iyon  --- na sana kabilang ang aming pangalan sa matatawag. Hanggang sa iisa na lang ang natitira papel na tatawagin. Lahat napatigil ng sandali ang paghinga, parang beauty contest lang ang atmosphere. Ang mga hindi pinalad kasama na ang inyong lingkod ay panandaliang natahimik. Matapos ang huling tinawag na pangalan, lahat ay gumayak na palabas kasama ako dala ang hinagpis at kabiguan. Parang iisa lang kami ng iniisip. Hindi namin araw iyon. Nakakalungkot pero kailangan tanggapin. Ganun ang buhay, minsan talunan pero hindi dapat sumusuko sa laban. Walang puwang sa mundo ang mahihina. Laban pa rin ng laban. Kahit ganun ang nangyari masaya ako sa lahat ng nabigyan ng oportunidad at sana galingan nila at mahalin ang trabaho. Dapat maging masaya pa rin. Hindi natin masabi baka sa susunod na mabubunot sa roleta ng kapalaran ay si..... Fernando O. Gatchalian, Jr. Bow!



Ang kagalang galang at piankapipitagang Panel of Judges na tutulong upang mapili ng tapat at tunay ang mga nangangarap na makaahon sa pagiging tambay partylist.


   Sa Kaliwa


 Sa Kanan



 at sa Gitna.
 Ang aking entry.

 Lahat alumpihit sa kinauupuan.


Ang mahiwaga at makapangyarihang Tambiolo.

Tuesday, December 4, 2012

Movie treat ni Kuya Rom

November 30, 2012 at 6 pm

Agad agad, eto na ang karugtong. Pauwi na ako when I got a phone call from bessy. They asked me to check ang time schedule ng movie sa Metroeast at Sta lucia. How I wish naka sasakyan ako. Grabe, napakabilis magpatakbo ni manong ng jeep niya. Abutin ba naman ako ng 1 oras. Anyways, hindi ko pa pala alam ang movie na papanuorin namin. So, I texted them, antagal magreply malapit na ako sa mall. Finally, I received a phone call from Rom. Rise of the Guardian pala. I checked both ng time sked, medyo late na magsstart sa Stalu so we decided sa Metroeast na lang. On the way na sila, ako naman sabi ko mag iikot ikot muna. When they arrived sa mall, inaya nila ako magdinner. Hays, I was so full pa, ayaw pang madigest ng kinain ko. Kaya sabi ko susunod na lang ako sa movie house after nila kumain. Kaso, nalate lang naman ako ng ilang minuto magsstart na iyong movie. Pagdating ko, medyo inis si bessy, ayaw kasi niya na pinaghihintay siya. We enjoyed watching the movie. Marami rin nanood, puro family with their kids. Maganda ang gusto iconvey na lesson ng movie. Ang galing ng mga character at nagvoice sa kanila. After the movie, diretso naman kami sa marikina ---- para magperya.

Rise of the Guardians
Cast:


 Alec Baldwin as North / Santa Claus, the leader of the guardians, and the Guardian of Wonder. 


 Jude Law as Pitch or The Boogeyman, the essence of fear and the Nightmare King.

 Hugh Jackman as E.Aster Bunnymund / Easter Bunny, the fabled keeper and bringer of Easter eggs and the Guardian of Hope.

 Isla Fisher as Tooth Fairy, the mythical tooth collector and the Guardian of Memories.
Sandy,The Sandman the Guardian of Dreams is the oldest of the Guardians. He does not speak, but communicates through sand images that he conjures above his head.
 My new cartoon crush. Jack Frost voiced by Chris Pine. He is the spirit of winter and the Guardian of Joy / Fun.

 
 Lastly, Dakota Goyo  as Jamie, a child who has not given up on believing in the guardians.


It was not only a movie treat of Kuya Rom for us, it was also his celebration for being newly hired Manager. Keep it up!