November 30, 2012 @ 11am
Hello everyone. I was with my pretty girl friend, Sofia at the gateway mall. Sorry, nalate ako ng dating. Ang usapan was 11 am pero nakarating ako 11:50 am na. Hays, may dinaan pa kasi ako. Mabilis lang naman ang biyahe that time. Anyways, I know naluluka na siya sa akin. While waiting for me, bumili na siya ng gift for a special friend. Pagdating ko, nasa starbucks na siya. Medyo nag ayos na muna ako kaso wala palang effect ang freshen up ko. Nagtreat siya ng frap which was iyong - Peppermint mocha. In fairness, masarap. After dun, nagtingin na kami ng gift para sa baby ko sa Gourdos store. Grabe, kung may extra money lang ako pinagbibili ko na iyong mga pandecor dun. Magaganda at may class talaga. Binili na namin ang gift then diretso kami sa Marks and Spencer para naman tignan iyong gift sa baby ni sis. Ayaw pa niyang bilhin, e nagkabukuhan na namin kami ng mga baby. Parang ewan lang, in short hindi tumalab ang convincing power ko na bilhin iyong gift. After dun, sabi niya kung nagugutom na ako. Sabi ko hindi pa. Inaaya na niya ako maglunch. Pero dumaan muna kami sa national bookstore to check iyong wishlist ko na Parker pen. Gosh, medyo may kamahalan na. Diretso na kami sa Burgoo. Grabe antagal ng food nila. So, kwentuhan kami muna tapos may crayola sa tabi ko, so walang magawa nagsulat sulat muna. At last by 1 pm naserve na ang food. Paisa isa ang pagseserve nila. Bumawi naman kasi masarap at yummy talaga. I was so full, ako ba naman umubos lahat. Daya mo sis. Para bumaba iyong kinain namin, as usual, lakad lakad. Nahinto kami sa ice cream store - DQ time muna. Masarap pala iyong banana split flavor. Tapos we went sa SM at Ali mall to check kung may nagtitinda ng Hello kitty stuffs. Sadly to say, marami nang nabago sa mall. Nawala na iyong dating store ng giftgate na ngayon ay Starbucks na. Medyo napagod na si sis, kaya we decided na ihatid ko na siya sa sakayan (5pm). Ako naman, nag ikot ikot muna sa SM cubao, grabe dami tao. Nagbuy lang ako ng pandecor sa bahay then I received a phone call from bessy. They were inviting me magwatch ng movie. Opps, next blog na iyon.
While waiting, sulat sulat muna.
My apologies, sa sobrang sarap nakalimutan ko iyong mga name ng food.
Ice cream, yum yum!
Thank you so much sis sa treat! I love it! =)
No comments:
Post a Comment