December 7, 2012 (8 am)
Hi and Hello everyone. Thank you for giving time reading my blog. So next na kwento ko ang nakaka-sad at nakakapanlumong karanasan. May nakapagsabi na sa akin na may bunutan na magaganap kinabukasan sa Ynares - bunutan ng trabaho para sa mga nurses, so sasali akong muli. Isang program iyon ng butihing Gobernador ng Rizal na mabigyan ng trabaho kada tatlong buwan ang mga nurses na wala pang work. Nakailang beses na ako sumali doon sa kasamaang palad, hindi ko naiiuwi ang mahiwagang korona at tropeo ng tagumpay. Medyo nagdadalawang isip na ako kung sasali pa ba ako. Pero sabi ko go lang ng go parang Globe. Wala naman mawawala at least nagtry pa rin ako. Baka this time umepekto na ang pagmamakaawa ko at maawa na sa akin ang kalangitan at kalikasan e mapagbigyan na ako sa aking kahilingan. May isa pa palang good news, tumawag ang Globe dahil for pick up na raw un Blackberry phone ko. So sabi ko, naku mukhang pumapabor ang magandang kapalaran sa akin.
Gabi pa lang, hindi na maganda ang tulog ko. Hindi ko nga maintindihan kasi ok naman ang inaasahang ko magaganap ng araw na iyon. Nagstart ako makatulog ng 1 am ng madaling araw. Pagising gising ako, naiinis na talaga ako kasi parang sinasadya na hindi ako makatulog ng diretso. Grabe kada tingin ko ng orasan parang ambilis ng takbo ng oras. Pabalikwas likwas ako sa kama. Tingin ulet ng orasan, pagtingin ko 4 am na. E, nag-alarm ako ng 6:30 am. So nagbilang ako, nagset ulet ako 7 am. Minsan na kasi akong nalate, hindi na ako pinayagan bigyan ng raffle coupon. Iniisip ko, baka kasi natatakot ako malate at umuwing luhaan ako ng walang kalaban laban gaya ng dati. Sa madaling sabi wala ako nabuo maayos na tulog. Kahit nahihilo ako, pinanindigan ko na. Sa daan pa lang kinokondisyon ko na ang sarili ko na magiging maayos ang lahat kahit na kulang sa tulog. 8:08 am na ako nakapasok ng Ynares. As usual, marami na naman nagsusubok ng kanilang kapalaran. Diretso na ako agad sa mga butihing panel of judges para mag sign ng name at mabigyan ng isang kapirasong papel na siyang magdidikta ng aming kapalaran. Tinahak ko na ang lugar na madalas ko pwesto at maghintay sa pinakadulo. Habang naghihintay kami, naisipan ko tawagan si marcie Sofia. Unting kwentuhan, pampadagdag ng moral support at pampaalis ng antok na rin. Next ko tinawagan si marcie Roda, nagulat ako kasi nasa hospital siya. Natuluyan pala siyang maconfine dahil sa dengue. Ako naman ang nagbigay ng moral support sa kanya. Pasa-pasahan lang. Nakakatawa kasi nag-iba ako ng boses dahil nagdadasal kami habang kausap ko siya. Kaya natawa na lang kami pareho.
Heto na ang pinakahihintay naming lahat. Nag-explain muna si madam ng mechanics. Since, ilang beses ko ng narinig ang litanya niya so dedma na lang ako. Hinintay na lang namin ang hudyat ng magkaroon ng kaunting katahimikan. Unang inanounce ang mga midwife. 39 ang naghulog na kanilang kapalaran subalit 12 lang ang pinalad na mabigyan ng chance. Maisingit ko lang para kaming sumasali sa audition ng mga reality shows so ramdam mo ang kaba at tension sa bawat isa sa amin. Ganun siguro ang pakiramdam na lahat gagawin mo para lang may mapatunayan ka. Sumunod na tinawag ang mga underboard na nurses. Mayroong 252 na sumali at 35 lang ang napatambling sa tuwa. At ang pinakahihintay ng lahat, tinawag na ang mga rehistradong nurses na susubok na makakapasok sa hospital at magamit ang aming nalalaman pagdating sa pag-aalaga ng pasyente at maisuot muli ang aming puting uniporme. Umalingaw-ngaw sa hangin ang numerong 417 na nurses ang sumali at nangangarap na makapagtrabaho sa alinmang hospital sa Rizal. Idedeploy kasi nila sa ilang pampublikong hospital ang mabubunot na nurses. Halos wala pa sa kalahati ng bilang ng sumali ang mapipili nila dahil 180 lamang ang papalarin. Habang paunti ng unti ang bilang ng kanilang tinatawag lalong lumalakas ang kabog sa aming dibdib at nakikisabay naman ang init sa loob ng Ynares. Napansin ko na iisa lang namumutawi sa aming mga mata --- ang pag-asang sana ang susunod na tawagin ay ang aming pangalan na. Sa huling sampung binunot, lahat kami ay napakapit sa kinauupuan, ang iba napakagat labi, ang iba pinagpapawisan ng malamig, hindi na namin alintana ang init, pagod at gutom. Iisa lang ang tumatakbo sa aming isipan ng mga sandaling iyon --- na sana kabilang ang aming pangalan sa matatawag. Hanggang sa iisa na lang ang natitira papel na tatawagin. Lahat napatigil ng sandali ang paghinga, parang beauty contest lang ang atmosphere. Ang mga hindi pinalad kasama na ang inyong lingkod ay panandaliang natahimik. Matapos ang huling tinawag na pangalan, lahat ay gumayak na palabas kasama ako dala ang hinagpis at kabiguan. Parang iisa lang kami ng iniisip. Hindi namin araw iyon. Nakakalungkot pero kailangan tanggapin. Ganun ang buhay, minsan talunan pero hindi dapat sumusuko sa laban. Walang puwang sa mundo ang mahihina. Laban pa rin ng laban. Kahit ganun ang nangyari masaya ako sa lahat ng nabigyan ng oportunidad at sana galingan nila at mahalin ang trabaho. Dapat maging masaya pa rin. Hindi natin masabi baka sa susunod na mabubunot sa roleta ng kapalaran ay si..... Fernando O. Gatchalian, Jr. Bow!
Ang kagalang galang at piankapipitagang Panel of Judges na tutulong upang mapili ng tapat at tunay ang mga nangangarap na makaahon sa pagiging tambay partylist.
Sa Kaliwa
at sa Gitna.
Ang aking entry.
Lahat alumpihit sa kinauupuan.
Ang mahiwaga at makapangyarihang Tambiolo.
maaari ko po bang malaman kung saang hospitals dinedeploy ang mga mapapalad na redistered nurses?
ReplyDelete