Sunday, January 27, 2013

Good Vibes!

Totoo pala ang kasabihan, "Ang buhay ay parang gulong". Minsan ay nasa itaas at kung minsan naman ay sa ilalim. Minsan talunan, minsan sinuswerte. Sa ating mundong ginagalawan, kapag mahina pala ang loob mo, mauunahan ka ng iba. Isa sa nakakapagpatibay ng loob at pagkatao ng isang tao ay ang mga pagsubok o problemang kinakaharap. Hindi maaaring makalimutan natin ang nasa Itaas na Siyang nakakaalam ng lahat. Pero tayo pa rin ang gumagawa ng ating kapalaran. Lahat ibinigay sa atin upang tayo ay mabuhay. Nasasaatin din kung ating pagyayamin o pagsisikapang matamo ang lahat ng mga naisin natin sa buhay. Ito rin ang nagsisilbing daan upang maging gabay natin sa gustuhin nating tahakin landas. Sa aking pagninilay nilay, walang matalino o mahina, basta desidido at may pangarap ka, may mararating ka. Walang imposible kung iyong nanaisin na makamtan. Huwag mawalan ng pag-asa, pasasaan darating din ang mga hinihiling natin. At siyempre hindi dapat mawala ang tulong mula sa Itaas.


Ready for action na. =)))))






January 18, 2013: Bonding again with mama Rems, marcie Sofia at marshi. =)))))










PIZZZAAAAAA! =)



January 19, 2013: Gala with Roda's sweet cousins. =)))))







Wednesday, January 9, 2013

Happy Ishi Day!

Isa sa pinakamagandang regalo ng Maykapal sa mga magulang natin ng tayo ay isilang. Ito rin ang kumukumpleto sa mga buhay nila bilang isang pamilya. Sabi nga nila, "biyaya na nagmula sa Taas". Labis ang kasiyahan nila nang masilayan sa unang pagkakataon ang mumunting anghel na kanilang matagal nang pinakahihintay. Hindi biro ang sakripisyo sa atin ng ating mahal na ina habang ipinagbubuntis tayo ng siyam na buwan. Halos minu-minuto ang ipinapanganak kada araw. Kaya ang pagluha nila ang tanda na sila ay masaya at nailuwal tayo ng maayos sa mundo. 

Lahat tayo ay may kanya-kanyang araw ng kapanganakan. Nagsisilbing kakambal natin ito taon taon sapagkat ito ay nagiging sukatan ng ating edad at maaaring magsabi nang pamamalagi rin natin sa mundo. Maraming paraan upang idaos nang matiwasay ang mahalagang araw natin, tulad ng may magagarbong handaan at palamuti, maraming bisita at naggagandahang mga kasuotan, bitbit ang kanilang mga regalo, kahit ano pa man wala pa ring tatalo sa simpleng selebrasyon. Basta ang pinakamahalaga ay magpasalamat sa Diyos sa biyayang tayo ay nabubuhay ng ligtas at malakas.

Maaga namin ipinagdiwang ang birthday ng isa namin pinakakamamahal na kaibigan --- si marcie Ishi, marshi, Ishi girl o mas kilala sa real name niyang Krish B. Gragasin.

Ano ang masasabi ni Janine Tugunon sa'yo, ipasa ang mahiwagang korona.


Siyempre, sumama na rin kami sa beauty queen este sa birthday girl.


Nagtake two pa kami dyan. Paano, may nagreklamo. =)))


 Bonding moment namin --- alam na! =)))))


Tuesday, January 8, 2013

BF 4 Forever!

Isang matagumpay na araw sa lahat. Tama kayo ng nabasa, tagumpay hindi lamang sa mga taong nakamit ang mga minimithi sa buhay gayundin sa mga bagay-bagay na nakakapagpasaya at nakakapagpapawi ng ating dinadala sa buhay. 

Lubos ang aming kagalakan ng kami ay makapasa sa pangkalahatang proseso na naganap kumakailan lamang. Dito masusubok ang aming kakayahan bilang mga bagong nurse. Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman, masaya at nasasabik na may kasamang kaba. Sa lahat na yata ng aking napagdaanan, ito na ang masasabi kong napakalaking pagsubok na aking kakaharapin. Dito masusukat ang katatagan ko hindi lamang ang pasensiya bagkus ang pakikisama ko sa iba't ibang klase ng tao. Inihahanda ko na ang aking sarili sa mga posibleng mangyari. Alam ko, na ako  ay gagabayan ng ating Diyos upang magawa ko nang maayos at makatuwiran ang mga ipapagawa sa akin at aking gagawin. Kalakip ng aking misyon ay ang mataimtim na pagdarasal.



Dahil sa maganda ang pasok ng taon sa aming apat. Heto at nagkakayayaan kaming lumabas na magkakasama. Nanood kami ng sine pagkatapos kumain sa isang restaurant na ngayon ko pa lang nabisita. Saktong lahat ng nasa menu ay mga paborito ko ---iba't ibang klase ng pizza at pasta. Sarap.

Habang naghihintay kami na tawagin ng waiter, kinuhanan ko muna sila ng litrato.




Ang pinakahihintay naming apat. Tara kainan na. =))))





Bago kami maghiwa-hiwalay ay nagpapicture muna kami. Good night. Ingat pag-uwi. =))))))


Maraming Salamat po!

Taos-puso akong nagpapasalamat sa lahat ng biyayang natanggap ko nitong nagdaang pasko at bagong taon. Mula sa kaibuturan ng aking puso, maraming salamat. Kadalasan ang pasasalamat nasasabi natin sa gitna o dulo ng usapan o pangyayari. Siguro, dala na rin ng labis na katuwaan at kagalakan natin.Sa lahat ng magagandang nangyayari sa buhay natin, isa lang ang hindi natin dapat na makalimutan na isama sa pagsasabihan ng ating pasasalamat --- ang ating mahal na Diyos. Siya ang dahilan bakit tayo patuloy na nabubuhay at nakikibaka. Hindi lahat ay nabibigyan ng magandang pagkakataon para matupad ang mga kahilingan. Mayroon man tayo dinadala at pasanin, Siya lang ang nakakaalam ng kasagutan sa lahat ng ating pagsubok. Huwag mawalan ng pag-asa, manalangin at magpasalamat pa rin.

Kahit ako nakaramdam din ng mga problema at mga pagsubok. Pero hindi ako bumitiw sa Kanya. Alam ko lahat ng mga nangyayari sa atin ay may karampatang dahilan. Gaya ng nangyari sa akin noong December 19, pauwe ako galing mall nang makatanggap ako ng magandang balita mula kay marcie Sofia. Isa ako sa mga mapapalad na maisasama sa panel para sa nurse position sa Heart center. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan ko. Ito na marahil ang tamang oras na matagal ko nang hinihintay. Sobrang hindi ako makapaniwala, parang ambilis ng pangyayari. Subalit may mga balakid man na dumating, alam ko malalagpasan ko lahat ng ito. Nalagpasan ko nga. Maraming salamat sa mga taong naniwala at nagdasal sa akin upang pumasa. Kasama kayo sa tagumpay na aking tinatamasa. At walang hanggang pasasalamat, Panginoon. Maraming salamat. =)))))



Santa's Angels on the go.
Ginawa namin ang pamimigay ng mumunting regalo sa mga bata noong bisperas ng pasko. Marami kaming napasayang mga bata. =)))))


Pagkatapos ng mahabang biyahe. Nakahanap kami ng bagong kainan sa daan. Walang patumpik-tumpik na umorder kami ng pagkain.Nakakapagod pero masarap sa pakiramdam na nakapagpasaya kami ng mga mumunting bata.



December 28, 2012 ang araw ng panel namin. Kasama ko sina marcie Ishi at Rocky na sumalang sa matinding tanungan. Hindi mababakas sa aming mga mukha ang matinding kaba at takot sapagkat nairaos na namin ng matiwasay ang espesyal na araw na iyon.






















Sa wakas, nakumpleto ko rin ang Starbucks stickers. Kasama ko si marcie Sofia na makuha ang planner. Worth it.

Sinama ako ni marcie Sofia sa mga kaibigan niya. Grabe, saka ko naramdaman ang gutom. Pagkadating ko, walang abog-abog na pagkasabing kain, nakigulo na rin ako. Nawala panandalian ang aking pangamba sa resulta ng panel. Sobrang nag-enjoy ako at may natanggap pa ako regalo mula kay KD. Kaarawan niya rin pala ng araw na iyon. 






Sunday, January 6, 2013

Skedtic!

Isang mapagpala at mapayapang araw sa lahat. Muli po akong nagbabalik. Sa katunayan, ngayon lang ako nagkaroon ng oras upang maglahad ng mga kaganapan sa akin. Kumbaga sa isang artista at modelo, fully booked ako. Masaya, na nakakapagod, na kulang pa sa tulog, alis dito punta sa kung saan saan, takbo dito, kahit pawisan sige lang ng sige. Pero sa kabila ng lahat masasabi kong napakamakahulugan lahat nang nangyari sa akin sa pagtatapos ng taon.

Isa ako sa mga naging abala nitong mga nakaraaang linggo. Halos ako ang nag-ayos at naglakad ng mga dapat na gawin at asikasuhin sa bahay. Binuhos ko ang lahat ng aking effort para maging maayos ang lahat. Mula sa pagkabit ng mga dekorasyon sa bahay na katuwang ko ang mga pinsan ko upang matapos na mailagay at maikabit ang mga pamaskong dekorasyon hanggang sa pagbili ng regalo at mga dapat na ihanda sa pasko at bagong-taon lahat ginawa ko ng taos sa aking puso. Salamat na rin at naging daan iyon upang makalimutan ko ang mga ibang bagay na nakakapagdulot sa akin ng lungkot. Alam ko lahat ng nangyayari sa atin ay may kalakip na dahilan. Dahil na rin sa pagiging abala ko, hindi ko naramdaman ang bilis ng takbo ng oras at araw. Biruin ninyo, sa unang pagkakataon, natapos ko kasama ko ang mga mahal ko sa buhay ang siyam na gabi ng simbang gabi. Nandoon ang gigising ka ng sobrang aga, tapos diretso na sa pamamalengke kaya halos kulang ang tulog. Pero lahat ng iyon ay nalagpasan namin. Sa katunayan nga, dahil na rin sa pagsasakripisyo ay may magandang ibinunga. Maraming blessings ang aming natanggap. Kaya puro pasasalamat ang laman ng aking puso. 

Pinagawa ko kay bessy, mga greeting cards.


Mahilig pala ako sa slippers. Sale kaya pinabili ko kay bessy. Love it.


Ang maswerteng pulang sobre.


Ang pulang-pulang Christmas tree.



Tara, kainan na.

Nagpicture muna kami bago magnoche buena.One two three, smile!









Excited ang mga bagets na mag-open ng mga gifts.


Nag-exchange gift kaming apat sa bahay.


Ito ang mga natanggap ko noong pasko. Maraming salamat sa nakaalala sa akin.


I was surprised sa gift ni bessy. Matagal ko ng gusto magkaroon ng travel bag. I love it! Salamat bessy. =))))))



 Green ang lucky color of 2013. Cute kapag iisa ang kulay ng damit. =)


Ako at ang aking berdeng planner.



Tara, kain ulet tayo. =)