Tuesday, January 8, 2013

Maraming Salamat po!

Taos-puso akong nagpapasalamat sa lahat ng biyayang natanggap ko nitong nagdaang pasko at bagong taon. Mula sa kaibuturan ng aking puso, maraming salamat. Kadalasan ang pasasalamat nasasabi natin sa gitna o dulo ng usapan o pangyayari. Siguro, dala na rin ng labis na katuwaan at kagalakan natin.Sa lahat ng magagandang nangyayari sa buhay natin, isa lang ang hindi natin dapat na makalimutan na isama sa pagsasabihan ng ating pasasalamat --- ang ating mahal na Diyos. Siya ang dahilan bakit tayo patuloy na nabubuhay at nakikibaka. Hindi lahat ay nabibigyan ng magandang pagkakataon para matupad ang mga kahilingan. Mayroon man tayo dinadala at pasanin, Siya lang ang nakakaalam ng kasagutan sa lahat ng ating pagsubok. Huwag mawalan ng pag-asa, manalangin at magpasalamat pa rin.

Kahit ako nakaramdam din ng mga problema at mga pagsubok. Pero hindi ako bumitiw sa Kanya. Alam ko lahat ng mga nangyayari sa atin ay may karampatang dahilan. Gaya ng nangyari sa akin noong December 19, pauwe ako galing mall nang makatanggap ako ng magandang balita mula kay marcie Sofia. Isa ako sa mga mapapalad na maisasama sa panel para sa nurse position sa Heart center. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan ko. Ito na marahil ang tamang oras na matagal ko nang hinihintay. Sobrang hindi ako makapaniwala, parang ambilis ng pangyayari. Subalit may mga balakid man na dumating, alam ko malalagpasan ko lahat ng ito. Nalagpasan ko nga. Maraming salamat sa mga taong naniwala at nagdasal sa akin upang pumasa. Kasama kayo sa tagumpay na aking tinatamasa. At walang hanggang pasasalamat, Panginoon. Maraming salamat. =)))))



Santa's Angels on the go.
Ginawa namin ang pamimigay ng mumunting regalo sa mga bata noong bisperas ng pasko. Marami kaming napasayang mga bata. =)))))


Pagkatapos ng mahabang biyahe. Nakahanap kami ng bagong kainan sa daan. Walang patumpik-tumpik na umorder kami ng pagkain.Nakakapagod pero masarap sa pakiramdam na nakapagpasaya kami ng mga mumunting bata.



December 28, 2012 ang araw ng panel namin. Kasama ko sina marcie Ishi at Rocky na sumalang sa matinding tanungan. Hindi mababakas sa aming mga mukha ang matinding kaba at takot sapagkat nairaos na namin ng matiwasay ang espesyal na araw na iyon.






















Sa wakas, nakumpleto ko rin ang Starbucks stickers. Kasama ko si marcie Sofia na makuha ang planner. Worth it.

Sinama ako ni marcie Sofia sa mga kaibigan niya. Grabe, saka ko naramdaman ang gutom. Pagkadating ko, walang abog-abog na pagkasabing kain, nakigulo na rin ako. Nawala panandalian ang aking pangamba sa resulta ng panel. Sobrang nag-enjoy ako at may natanggap pa ako regalo mula kay KD. Kaarawan niya rin pala ng araw na iyon. 






No comments:

Post a Comment