Isang matagumpay na araw sa lahat. Tama kayo ng nabasa, tagumpay hindi lamang sa mga taong nakamit ang mga minimithi sa buhay gayundin sa mga bagay-bagay na nakakapagpasaya at nakakapagpapawi ng ating dinadala sa buhay.
Lubos ang aming kagalakan ng kami ay makapasa sa pangkalahatang proseso na naganap kumakailan lamang. Dito masusubok ang aming kakayahan bilang mga bagong nurse. Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman, masaya at nasasabik na may kasamang kaba. Sa lahat na yata ng aking napagdaanan, ito na ang masasabi kong napakalaking pagsubok na aking kakaharapin. Dito masusukat ang katatagan ko hindi lamang ang pasensiya bagkus ang pakikisama ko sa iba't ibang klase ng tao. Inihahanda ko na ang aking sarili sa mga posibleng mangyari. Alam ko, na ako ay gagabayan ng ating Diyos upang magawa ko nang maayos at makatuwiran ang mga ipapagawa sa akin at aking gagawin. Kalakip ng aking misyon ay ang mataimtim na pagdarasal.
Dahil sa maganda ang pasok ng taon sa aming apat. Heto at nagkakayayaan kaming lumabas na magkakasama. Nanood kami ng sine pagkatapos kumain sa isang restaurant na ngayon ko pa lang nabisita. Saktong lahat ng nasa menu ay mga paborito ko ---iba't ibang klase ng pizza at pasta. Sarap.
Habang naghihintay kami na tawagin ng waiter, kinuhanan ko muna sila ng litrato.
Ang pinakahihintay naming apat. Tara kainan na. =))))
Bago kami maghiwa-hiwalay ay nagpapicture muna kami. Good night. Ingat pag-uwi. =))))))
No comments:
Post a Comment