Isa sa pinakamagandang regalo ng Maykapal sa mga magulang natin ng tayo ay isilang. Ito rin ang kumukumpleto sa mga buhay nila bilang isang pamilya. Sabi nga nila, "biyaya na nagmula sa Taas". Labis ang kasiyahan nila nang masilayan sa unang pagkakataon ang mumunting anghel na kanilang matagal nang pinakahihintay. Hindi biro ang sakripisyo sa atin ng ating mahal na ina habang ipinagbubuntis tayo ng siyam na buwan. Halos minu-minuto ang ipinapanganak kada araw. Kaya ang pagluha nila ang tanda na sila ay masaya at nailuwal tayo ng maayos sa mundo.
Lahat
tayo ay may kanya-kanyang araw ng kapanganakan. Nagsisilbing kakambal
natin ito taon taon sapagkat ito ay nagiging sukatan ng ating edad at maaaring magsabi nang pamamalagi rin natin sa mundo. Maraming
paraan upang idaos nang matiwasay ang mahalagang araw natin, tulad ng
may magagarbong handaan at palamuti, maraming bisita at naggagandahang
mga kasuotan, bitbit ang kanilang mga regalo, kahit ano pa man wala pa
ring tatalo sa simpleng selebrasyon. Basta ang pinakamahalaga ay
magpasalamat sa Diyos sa biyayang tayo ay nabubuhay ng ligtas at
malakas.
Maaga namin ipinagdiwang ang birthday ng isa namin pinakakamamahal na kaibigan --- si marcie Ishi, marshi, Ishi girl o mas kilala sa real name niyang Krish B. Gragasin.
Ano ang masasabi ni Janine Tugunon sa'yo, ipasa ang mahiwagang korona.
Siyempre, sumama na rin kami sa beauty queen este sa birthday girl.
Nagtake two pa kami dyan. Paano, may nagreklamo. =)))
Bonding moment namin --- alam na! =)))))
No comments:
Post a Comment